Search here...
TOP
Lifestyle

10 Realizations After Watching Hello, Love, Goodbye

Hello, Love, Goodbye

Hindi ka lang pakikiligin, patatawanin at paiiyakin. This movie will make you realize so much about life in general.

Paano at bakit ko nga ba nasabi?

Kasi lumabas ako ng movie house na bitbit sa puso at isip ko ang sampung (10) realizations na ito:

1. LOVE FOR FAMILY 
There are different kinds of families pero kahit ano pa yan, mahalin mo ang pamilya mo. Pahalagahan mo ang mga magulang mo, ang mga pangarap nila para sayo. Gawin mo na inspirasyon sa buhay mo at sa pag-abot mo sa mga pangarap mo ang iyong pamilya.

2. HARDWORK at PATIENCE
Time flies so fast! Sobrang bilis ng bawat araw kaya naman wala kang dapat na sinasayang na panahon. It can be on your studies, work or anything you want to do. Work hard for it. Aim high for it. Have more patience. Tandaan mo wala naman talagang bagay na madali sa mundong ito.

3. SELF LOVE IS NOT BEING SELFISH ALL THE TIME
Masakit hindi ba? Yung feeling na kapag inisip mo ang sarili mo ang tingin agad ng ibang tao sayo ay selfish ka. Hindi masama na unahin mo ang sarili mo kung minsan, hindi masama na gawin mo kung ano ang gusto mo at sundin ang mga pangarap mo. Wag na wag mong iisipin na selfish ka kasi nangarap ka para sa sarili mo. Hindi man kailan man naging masama ang isipin mo naman ang sarili mo!

4. YOU CAN AND YOU’RE ALLOWED TO DREAM BIG
– Never be afraid to dream big! Wala kang hindi kayang gawin. Mahirap naman ang lahat sa umpisa. Wala namang pangarap na paggising mo ay nakuha mo na. Lahat ng gusto mo sa buhay, kailangan mo na paghirapan. Kaya wag kang matakot na mangarap nang mas mataas para sayo at para sa mga taong mahal mo.

5. FORGIVENESS
– Ay nako po! Hindi ito madali! Sinasabi ko na sayo! Oo alam natin yan, hindi naman talaga madali ang magpatawad lalo na ng mga taong mahalaga sayo pero nagawa ka pa din na saktan. Pero life goes on. You have to move forward and forgive not just for the sake of them having an answer sa mga “sorry” nila but also for you to start a new one and have a genuine happiness.

6. SOMETIMES YOU HAVE TO LET GO
– Sa love o sa kahit ano man na bagay, minsan kailangan mo na pakawalan ang isang tao o bagay. Kailangan mo matuto na magparaya. This is not an easy way to show how much you love a person or a thing, but if this is what they need. You must!

7. THAT YOU CAN BE MORE
– Stop doubting what you can do! Explore and dream more! You have so much to offer, you have so much to share and you will always and will always be someone that can be more. Wag mo i-down ang sarili mo, kasi alam ko na ano man ang gusto mong gawin, kayang-kaya mo!

8. TO LOVE WITH NO CONDITIONS
– In love hindi naman talaga kailangan may conditons e. Kapag nag mahal ka dapat tanggap mo ang isang tao. Kung ano sya, kung ano ang mga gusto nya at kung ano pa ang mga plano nya (sana lang kasama ka sa lahat ng plano nya).

9. TO TRUST
– Sa isang bagay o kaya naman relasyon, hindi nagiging maayos ang samahan kung wala kang tiwala. Isa ito sa pinakamahirap na ibigay sa isang tao pero sometimes you have to believe that you can trust someone. Lalo na kung ang “someone” na yun, ang laki ng tiwala sayo!

10. TO BE BRAVE
– Take risk! Dream big! Love! Trust! Enjoy your life! Sa buhay minsan you have to say HELLO to new chapter, new people and even new opportunities in life and you must learn how to LOVE those. But always remember, it is okay to say GOODBYE to people, things and situations that torn you from who you are and what you want to become.

Napanuod mo na ba? Kung oo, naka-relate ka ba? Ikaw ba si Joy o hindi naman kaya si Ethan?

Kahit sino ka pa man sa mga characters na yun, alam ko YOU CAN BE MORE!

*** photos credits to its respective owners ***

Princess Dulaca

«

»

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Follow @princessdulaca